Ano ba ang Bitcoin?
* Ok nandito ka para malaman kung ano ba ang bitcoin. At alam kung may ilang katanungan sa iyong isipan kung ano ito, paano gamitin to, paano kikita dito at paano yayaman dito. Masuwerte ka dahil hinahanap mo ang mga sagot sa katanungang yan. Dahil sa katunayan iilang porsyento palang ng populasyon ang nakakaalam nito.
Ang iba ay walang pakialam dito at walang interest na malaman ito.
* Ang Bitcoin ay isang Payment System na naimbento ni "Satoshi Nakamoto", naipublish ito noong 2008 at nai-release noong 2009 at ngayon ay ginagamit na sa ibat ibang bahagi ng mundo.
Para mas maunawaan, alamin muna natin ang history ng pera o salapi:
Stage 1: COMMODITY ( AGRICULTURAL AGE ) - Dito nagsimula ang ideya ng salapi. Eto yung panahon ng pagpapalitan ng mga kalakal. Wala pang mga perang papel. Eto yung panahon ng BARTER. Kung saan ang manok ay pwedeng ipalit ng asukal, ang isang sako ng palay ay pwedeng ipalit ng kambing at marami pang iba. Depende sa napagkasunduan. Sa panahon nito ay wala pang sukli. At kaylangan magkasundo muna kayo ng interes kung ano ang kaylangan mo at ano ang kaylangan ng kapalitan mo. Napakataas ng halaga ng pang-agrikulturang lupain sa panahon na ito.
Stage 2: FIAT ( INDUSTRIAL AGE ) - Eto yung panahon na nagkaroon na ng mga FACTORY, MACHINE, BUILDING atbp. Ang pang-agrikulturang lupain ay bumaba ang halaga. Nagkaroon na ng pagawaan ng bakal, pagawaan ng papel at kung ano ano pa. Dito na nagsimula ang perang PAPEL. Dumami ang mga factory at nagkaroon ng mga empleyado. Kung saan ang mga sweldo ay ang perang papel. Perang papel ang ginamit na uri ng salapi sa buong mundo.
Stage 3: DIGITAL CURRENCY ( INFORMATION AGE ) - Sinasabing ito ang future ng currency natin. Kung saan hindi na tayo gagamit ng perang papel. Ang pawang gagamitin nalang natin ay ang ating mga gadgets para makabili ng produkto. Ngayong 21st Century ay nabubuhay na tayo sa Information Age. Tapos na ang Industrial Age ngunit ang ginagamit pa rin nating salapi ay panahon pa rin ng Industrial Age, ang perang papel.
Mayroong Dalawang Uri ng DIGITAL CURRENCY:
VIRTUAL CURRENCY - Eto yung uri ng DIGITAL CURRENCY na kontrolado ng mga gumawa nito (developer). Ito ay maaari lamang gamitin sa mga kasapi ng isang virtual community. Isang halimbawa nito ay ang Amazon Chips.
CRYPTOCURRENCY - Eto yung uri ng DIGITAL CURRENCY na gumagamit ng Cryptography at ang BITCOIN ang isa sa mga CRYPTOCURRENCY.
Ang Cryptography ay isang secure na paraan para makapagpasa ng DIGITAL SIGNATURE sa pamamagitan man ng peer to peer transfer at decentralization.
* Bitcoin ang nangunguna sa pinakapopular na mga cryptocurrency sa kasalukuyan, Sa katunayan sa sobrang popular ng "Bitcoin", pati mga negosyante ay gumagamit narin nito dahil napakadaling magbayad gamit ito.
*Ang BITCOIN ay isang digital currency ( Gaya din ng US dollar, Yen, Euro, Singapore Dollar) na pwedeng ipalit din sa Peso at ma i-witdraw sa iba’t ibang banko na Nag ooffer ng Bitcoin ATM. Isa na dun ang Security Bank.
PALITAN NG BITCOIN- Magkano ba ang isang Bitcoin?
Presyo ng Bitcoin: 1 Bitcoin to Php
2009 : P1.00
2010: P170.00
2011: P2,800.00
2012: P3,600.00
2015: P15,000.00
2016: P31,000.00
Ngayong August 2017, ito ay more that Php 240,350.00 na!
Isipin mo, kung bumili tayo noong 2009 ng 10,000 bitcoin at hinayaan lang sa Wallet sa taong 2016 ang halaga ay
P310, 000,000.00 Million!
BITCOIN CHART CLICK HERE